Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kulong vs Celdran pinagtibay ng CA

carlos celdranPINAGTIBAY ng Court of Appeals ang parusang pagkakakulong sa tour guide at reproductive health advocate na si Carlos Celdran bunsod nang ginawang pag-iingay sa loob ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila noong 2010.

Sa 23-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Carmelita Salandanan-Manahan ng CA 12th Division, sinasabing hindi nagkamali si Metropolitan Trial Court Branch 4 Judge Juan Bermejo Jr. nang hatulan ng parusa si Celdran dahil sa kasong paglabag sa Article 133, o offending religious feelings.

Si Celdran ay hinatulan ng pagkakulong na dalawang buwan at 21 araw hanggang isang taon at 11 araw dahil sa panggugulo at pagsigaw sa loob ng Manila Cathedral. Nais ni Celdran na tumigil ang Simbahan sa pakikaisali sa usaping kinasasangkutan ng pamahalaan habang hawak ang placard na may nakasulat na “Damaso,” tumutukoy kay “Padre Damaso,” ang kontrabidang pari sa nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere.

“The RTC was correct when it found that in conformity with one’s right to free exercise of religion, the faithfuls may, within the limit set by laws, rightfully practice and observe their beliefs, unimpeded by unfair interference from other people… It goes without saying that those people observing certain form of religion or sect are equally entitled to the state’s protection as any of its citizens,” sabi ng appellate court.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …