Saturday , November 23 2024

PNP dapat purgahin — Ping

FRONT8HINILING ni dating senador Panfilo Lacson sa officer in charge ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director General Leonardo Espina na magkaroon ng cleansing process o purgahin ang hanay ng PNP sa bansa para maibalik ang dangal ng mga pulis sa buong bansa.

Sa talumpati sa harap ng mga opisyal ng PNP kamakailan kaugnay ng PNP Ethics Day sa Camp Crame, ipinaliwanag ni Lacson kay Espina na nang magsilbi siyang bilang hepe ng PNP mula noong 1999 hanggang 2001 ay hinarap din niya ang mga katulad na problema kaya nasa mga kamay ngayon ng PNP OIC para maibalik ang dangal ng pulisya.

“Hindi porke’t wala tayong agarang problemang hinaharap ay magre-relax na tayo at titigil mag-isip upang humanap ng ating pagyabong,” ani Lacson. “Ang karaniwang kaisipan ng tao, kung ano ang nakamulatan at nakagisnan sa mga nauna sa kanya at nakikita niyang madalas sa pagsisimula ng kanyang gawain, iyon ang iniisip niyang tamang kalakaran.”

Ibinigay niyang halimbawa ang mga pulis noong araw sa Imus, Cavite na kahit naka-uniporme lamang ng khaki, may revolver, itim na baton at kumikinang na pito ay iginagalang at kinatatakutan ng mga tao sa kanyang lugar.

Iginiit ni Lacson na nalungkot siya nang maging hepe ng PNP noong 1999 dahil masyado nang bagsak ang respeto ng mamamayan sa mga pulis at nahirapan siyang ibalik ang galang ng mga tao sa PNP.

Bukod sa pagbabawal sa pangongotong at paggamit ng mga awtoridad sa mga nakaw na sasakyan, tumalima ang mga pulis kay Lacson sa ipinagbawal niyang pangingikil at pagtanggap ng payola lalo sa mga gambling lord.

“Mahirap hangarin na igagalang tayo ng mga mamamayan kung may kamag-anak o kaibigan o sila mismo ay naging biktima ng pangongotong ng pulis,” paliwanag ni Lacson.

“Hanggang may nakikita o naririnig kayong galit o negatibong pagpuna sa bawat pagkakamaling inyong nagawa, isipin na lang ninyo na umaasa pa ang publiko sa inyong pagbabago.

Ang malungkot ay kung idinadaan na lang sa panlalait at ginagawang biro ang inyong mga maliwanag na kamalian at kakulangan. Iyon ang masakit na palatandaan o patunay na give up na ang mga mamamayan na talagang wala nang pag-asang magbago pa ang pulisya.

Idinagdag ni Lacson na masarap sa pakiramdam kung iginagalang at may dignidad ang mga pulis.

“Hindi ba’t napakasarap sa pakiramdam ng isang nasa serbisyo publiko na tulad natin ang madama ang paggalang na totoo at kusang loob mula sa publiko na ating sinumpaang paglingkuran?” tanong ni Lacson.

Dito niya inilatag ang mga pamantayan ng da-kilang lider ng India na si Mahatma Gandhi na dapat pamarisan ng mga pulis sa buong bansa para hindi masira ang PNP.

“May pitong bagay na sisira sa atin: Kayamanang hindi galing sa sariling pagod, kaligayahang walang konsensiya, kaalamang salat sa pagkatao,  relihiyong walang sakripisyo,  politikang walang prinsipyo, agham laban sa sangkatauhan at negosyong mapanlinlang at may masamang asal,” dagdag ni Lacson.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *