Friday , November 22 2024

OTOP nagtala ng 100% gains sa pagtaas ng kita — Villar

OTOPMAYROONG  100 porsiyentong pagtaas sa kita (o mula 10 o mahigit sa 50 porsiyento taas) dahil sa programang “One Town One Product (OTOP)” ng pamahalaan na nagbibigay ng P1 milyong tulong sa may 1,610 siyudad at munisipalidad sa bansa para i-promote ang kanilang mga produkto, ani Sen. Cynthia A. Villar.

Sinabi ni Villar na base rin sa accomplishment report ng Department of Trade and Industry (DTI) mula 2005 hanggang third quarter ng 2010, nag-ulat ang beneficiaries ng programa ng 51% pag-angat sa kalidad ng kanilang pamumuhay.

“There was also a 90 percent improved business operations and facilities,” dagdag ni Villar, chairperson ng Senate Agriculture and Food committee.

Ang bottomline rito, ani Villar, marami sa kabuhayan ng ating mga kababayan ang umunlad sa ilalim ng programa. Layon nitong magkaroon ng economic activities sa countryside.

“Personally, I greatly appreciate OTOP because of its framework dependent on boosting the small-and-medium enterprises (SMEs) and micro SMEs,” ani Villar.

Bilang dating congresswoman, si Villar ang principal author ng Republic Act 9178 o ang ‘Magna Carta for Micro Enterprises.’

Kapwa malaki ang paniniwala ng senador at ng kanyang mister na si dating Senador Manny Villar sa SMEs at micro SMEs bilang susi para mahango sa kahirapan ang ating mga kababayan. Mga advocates rin sila ng entrepreneurship.

Ang OTOP program, na tinatawag din “Isang Bayan, Isang Produkto, Isang Milyong Piso,”  ay na-institutionalize sa ilalim ng Executive Order No. 176 noong February 11, 2003. Ito ay isinunod sa “One Village One Product.”

Gaya rin ng OTOP, ang livelihood enterprises ng Villar Foundation (ngayon ay Villar SIPAG) ay tumutulong para maiangat ang antas ng pamumuhay hindi lamang ng mga Las Piñeros kundi pati ng ating mga kababayan sa buong bansa.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *