Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot dinukot, ginahasa ng 5 kelot

111114 rapeZAMBOANGA CITY – Nakapiit na ngayon sa selda ng pulisya ang tatlong lalaki habang pinaghahanap ang dalawang iba pa na itinutu-rong responsable sa pagdukot at paghalay sa isang babae sa bayan ng Buug, lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Base sa pahayag ng 24-anyos biktima sa mga pulis, isa sa limang suspek na kinilalang si Alan Banquiao Ilustrisimo ang siyang gumahasa sa kanya.

Lumalabas sa imbes-tigasyon ng mga pulis ng Buug municipal police station, nitong nakaraang araw puwersa-hang dinukot ng mga suspek ang biktima, isinakay sa motorsiklo at dinala sa isang abandonadong bahay saka roon ginahasa at pagkatapos ay ikinulong ng mga suspek.

Masuwerteng nakatakas ang biktima sa tulong ng ilang residente sa lugar at dumiretso sa himpilan ng pulisya.

Kasunod nito, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis na nagresulta sa pag-aresto ng tatlong suspek na sina Ariel Banquiao Ilustrisimo, 18; Leo Santos Paca-tang, 19; at Leonard Santos Pacatang, 18.

Habang nakatakas ang dalawang iba pa na sina Marvin Laurente at ang sinasabing gumahasa sa biktima na si Alan Banquiao Ilustrisimo.

Karamihan sa mga suspek ay magkakamag-anak lamang at mga out of school youth.

Serious illegal detention at rape ang inirekomendang kaso laban sa mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …