Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blockbuster director Joyce Bernal sobrang bilib sa loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa “Once Upon A Kiss”

010515 miguel bianca joyce

00 vongga chika peterKahit na ngaragan ang taping ng bagong teleserye na idinidirek, sa GMA 7 na “Once Upon A Kiss,” enjoy si Direk Joyce Bernal sa pagso-shoot ng mga eksena ng mga bida niya sa soap na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sey ni Binibining Joyce, nang amin siyang maka-chikahan sa kanilang presscon, hindi siya nahirapang i-handle sina Miguel at Bianca dahil may chemistry ang dalawa kaya gamay na ang isa’t isa. At para sa nasabing blockbuster director fresh sa kanya ang project at pressure siya dahil sa tagal ng pagdidirek niya ng movies at TV shows ay first time niyang gumawa ng ganitong fairy tale romantic comedy series. Ang malaking surprise pa raw kay Direk Joyce ay opening salvo pa ang Once Upon A Kiss, kaya malaking challenge ito sa kanilang lahat. Pero alam naman daw niya (Direk Joyce) na magugustuhan ng televiewer ang magandang kuwento nito na kahit sabihin pang lumang istorya at ilang beses nang ginawa ang rich boy-poor girl story, dahil sa intriguing twists and turns ay mamahalin ng mga diehard Kapuso sina Miguel at Bianca. Nang tanungin naman namin si Direk Joyce kung may kissing scene ba na mangyayari sa BianMig loveteam, sagot niya meron daw, “Kailangan e, but it will be a simple kiss, parang binibigla lagi ni Miguel si Bianca, sapat para kiligin ang mga fans. Si Miguel kasi, mahal ng kamera, si Bianca, napakaganda at parehong very intense ang acting nila, kung minsan pinipigilan ko sila at sinasabihan kung kailan dapat nilang gawing drama ang eksena,

“Iyon lamang ang maganda kapag ang mga artista mo ay bago pa lamang, madali silang idirek, hindi tulad ng ibang artista na kapag marami nang nagawang soap, parang napagsasama-sama nila ang mga characters nila,” pahayag ng sikat na direktor.

Para mapaganda at lumabas na makatotohanan ang serye ay ginastusan ito nang husto ng GMA. Katunayan sa set nila sa Tagaytay na Royale Pineapple plantation na pag-aari ni Senyor King na ginagampanan ni Michael de Mesa, lolo ni Miguel sa story, kahit na hindi season ng pinya ay bumili ng napakaraming pineapple, kahit mahal ang presyo nito at kanilang itinanim lahat sa plantation at presto punong-puno ng pinya ang kanilang set. Kasama rin sa Once Upon A Kiss, na mapanood na simula ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad sina Gabby Eigenmann, Nova Villa, Tessie Tomas, Al Tantay, Maricar de Mesa,

Chris Villanueva, Frank Magalona, Betong Sumaya, Cai Cortez, Mylene Dizon at orihinal na loveteam noong 90s na sina Manilyn Reynes at Keempee de Leon. Suportado rin sina Miguel at Bianca ng mga kapwa Kapuso youngstars na sina Eunice Lagusad, Sabrina Man, at Miggy Jimenez.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …