Monday , December 23 2024

Bayan pa sa Cebu lalamunin ng sinkhole

FRONTPINAG-IINGAT ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga residente sa Visayas na natukoy na may sinkhole.

Kabilang dito ang Brgy. Manduyong, Badian, Cebu, kung saan biglang lumubog ang isang lugar makaraan ang mga pag-ulan dulot ng bagyong Seniang.

May lawak na 20 metro at lalim na 15 metro ang nasabing sinkhole.

Ngunit kahit naitala ito sa lugar na malayo sa mga kabahayan, marami pa rin mga residente ang nabahala sa posibilidad na masundan pa ang paglubog ng lupa.

Hiling ng mga naninirahan sa Badian, magsagawa ng pagsusuri ang MGB upang matukoy kung alin pang mga lugar ang maaaring lumubog upang makalipat sila sa mas ligtas na lugar.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang matagal na pag-ulan ang nagpapalambot sa anyong lupa na nagiging dahilan upang bumigay ito at lumubog.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *