Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheryl, ‘di priority and lovelife

ni Roldan Castro

122914 sheryl cruz

GUSTONG ituloy ni Sheryl Cruz ang tradisyon ng yumao niyang ama na si Ricky Belmonte na tumapat ang Philippine Movie Press Club (PMPC) kaya pinatuloy niya ang club sa kanyang tahanan.

“This is what he wanted me to do, ‘yung makipagkaibigan sa inyo, siya kasi ang perfect example ng pakikitungo sa press,” deklara niya.

Sa tsikahan ay tinanong ang lovelife ni Sheryl after na makipaghiwalay sa kanyang asawa. Wala ba siyang suitors ngayon?

“Love is not my priority at the moment, all I want now is work, work, work, I am only 40 years old and many people are telling me, I am only starting to live my life. So I would like to enjoy and enjoy my life now. Gusto ko talaga, gaya nina Tita Boots Anson at Chanda Romero, kita n’yo naman, masaya sila kahit may edad na sila.

“At saka medyo mahirap ngayon, although maraming nagpaparamdam, nakikita ko na intimidated sila sa akin, siguro, they could see me sa mga cover ng mga magazine so nawawala na lang sila. But like I said, wala muna ‘yan sa akin.”

May dream boy pa ba siya ngayon?

“Siyempre naman mayroon, ang gusto ko ‘yung mayroon namang sinasabi, hindi naman ako naghahanap ng mayaman pero dapat naman marunong magtrabaho, ‘di baleng mas bata sa akin, ang importante ‘yung mas matangkad siya sa akin. I believe na in the future, mahahanap niya ako,” sambit pa niya.

Kasama si Sheryl sa patapos na serye ng GMA 7 at bumalik din siya sa pagkanta.

“At the moment, I am into writing songs at ‘yung ilan, kasali na sa lalabas kong album. Lumabas na ‘yung album kong ‘Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin’ at natutuwa ako, maganda naman ang review so watch out for more,” seypa niya.

Tsuk!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …