Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Most wanted sa Munti arestado

073014 arrest posasHINDI umubra ang pekeng ID na ginamit ng sinasabing ‘no.1 most wanted criminal’ nang arestuhin ng mga alagad ng batas habang naaktuhang nagsusugal kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nakakulong na sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Jojo Dereza, nasa hustong gulang, naninirahan sa naturang lungsod.

Base sa report na natanggap ni Muntinlupa City Police Sr. Supt. Noel Nobleza, dakong 6:45 p.m. nang masakote ang naturang suspek sa Batibot Compound, Purok 6, Brgy. Alabang ng naturang siyudad, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa City Regional Trial Court dahil sa kasong murder.

Naaresto si Dereza ng mga pulis habang nagsusugal at gumamit ng pekeng ID na ang pangalan ay Jolly Huiden, upang lituhin ang mga huhuli sa kanya.

Ngunit hindi ito umubra sa mga pulis na agad siyang inaresto at dinala sa presinto. Sa record ng pulisya, sinasabing no.1 most wanted criminal sa naturang lungsod ang suspek.

Manny Alcala/Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …