Monday , December 23 2024

Hiling na tulong sa Sto. Papa ni Andrea Rosal iginagalang ng Palasyo

122714 andrea rosalIGINAGALANG ng Palasyo ang pagpaparating ng saloobin ni Andrea Rosal kay Pope Francis, ngunit hukuman ang magpapasya sa hirit niyang makalaya.

“Nasa ilalim ng hurisdiksyon ng hukuman ang pagkapiit kay Binibining Andrea Rosal. Iginagalang namin ang pagpapahayag ng kanyang saloobin at pagpaparating nito sa mahal na Santo Papa,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Si Andrea ay anak nang namayapang New People’s Army (NPA) spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal, na buntis nang dinakip noong Marso 2014 sa Caloocan City dahil sa mga kasong kidnapping at murder, na aniya’y imbento lang ng militar.

Nanganak si Andrea habang nakapiit ngunit agad din namatay ang sanggol na aniya’y bunsod sa pagkakait sa kanya ng atensiyong medikal.

Lumiham si Andrea kay Pope Francis para mamagitan sa administrasyong Aquino upang palayain siya.

“My innocent child bore the effects of the trumped-up charges against me. My detention is unjust. I am not guilty of the charges against me even as I continue to suffer the loss of my child,” aniya sa liham sa Santo Papa.

Nakatakdang bumisita sa Filipinas si Pope Francis sa Enero 15 hangang 19.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *