Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ, nananatiling Hari ng pelikula!

122714 FPJ

ni Ed De Leon

ANG totoo at inaamin namin kung minsan makakalimutin na rin kami, nagtaka pa kami noong isang gabi dahil na-traffic nga kami riyan sa Roxas Boulevard, tapos napansin naming may mga nakatirik na kandila roon sa monumento ni FPJ. Tapos may mga bulaklak din, pero halata mo na ang naglagay doon ay fans lamang niya, dahil talagang pumpon lang ng bulaklak iyon. Kung mga politiko iyan, malaking korona iyon na nakalagay din sa malaking ribbon ang kanilang mga pangalan.

Nag-isip pa kami, bakit nga ba may nagtirik ng kandila sa monumento ni FPJ?

Kinabukasan ng umaga, nakikinig kami sa radio, nang ibalita ng isang reporter na siya ay nasa sementeryo na nagkakatipon ang mga kaibigan at mga dating kasamang artista ni FPJ para sa isang misa, bilang pag-alaala sa ika-10 ng kanyang kamatayan.

Naisip nga namin, sampung taon na palang wala si FPJ. Ang totoo hindi namin namamalayang ganoon na pala katagal iyon. Kasi hanggang ngayon naman madalas mong napapanood sa telebisyon ang maraming pelikulang kanyang nagawa simula noong nabubuhay pa siya. Matatawa nga kayo, maski na iyong mga pelikulang hindi pa namin inabot noong araw, makikita pa ninyo sa mga pirated na DVD. Minsan nga tuwang-tuwa kami kasi may nakuha kaming kopya ng pelikula na sa maniwala kayo’t sa hindi, bagets pa si FPJ.

Si FPJ ang nag-iisang hari ng pelikulang Filipino at 10 taon na matapos na siya ay yumao, wala pa ring natatawag na bagong hari ng pelikula, ni nagtangkang angkinin ang titulong iyon.

Sinariwa nga namin sa aming alaala, ang mga gabing iyon na si FPJ ay nakahimlay sa simbahan ng Santo Domingo. Tinakpan ang bahagi kung saan siya nakaburol dahil mayroon ng simbang gabi. Pero ang haba ng pila ng mga taong gusto siyang makita habang nakahimlay doon, hindi nabawasan kahit na mayroon ng simbang gabi.

Iyon ding libing ni FPJ, iyon ang libing na sinaksihan ng milyong tao. Naglakad lang ang lahat mula sa simbahan ng Sto. Domingo hanggang sa Manila North Cemetery. Mahigit na kalahating araw din iyon, at take note ang mga nakipaglibing ay naroon ng kusang loob, hindi hinakot. Hindi ipinadala roon ng mga kompanyang kapanalig nila na binigyan ng pagkain at allowance makipaglibing lang. Talagang pagmamahal ng tao kay FPJ kaya sila naroroon.

Wala ngang katulad si FPJ at wala nang makaaabot sa inabot niyang iyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …