Monday , December 23 2024

70% ng naputukan isinisi sa Piccolo (Ayon sa DoH)

122714 piccoloBUMABA ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa selebrasyon ng Pasko ngayong taon kung ihahambing noong 2013.

Sinabi ni Department of Health (DoH) acting Sec. Janette Garin, batay sa kanilang monitoring sa 50 sentinel hospitals ng DoH, umabot sa 30 ang naitalang naputukan simula noong Disyembre 21.

Sa naturang bilang ay 25 ang minor ang sugat, dalawa ang naputulan ng daliri at tatlo ang nasugatan sa mata at may posibleng mabulag.

Ayon kay Garin, 70 porsyento sa mga naputukan sa buong bansa ay gumamit ng piccolo.

20 sugatan sa paputok (Sa Bicol)

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 20 ang bilang ng mga naputukan sa buong Bicol Region.

Ayon kay Archt. Marco Marcellana ng Department of Health (DOH)-Bicol, 17 ang kompirmado habang tatlo pang kaso ang patuloy na benebiripika.

Base sa tala ng DoH-Bicol, karamihan sa mga biktima ay mga bata at ito ay dahil sa ipinagbabawal na klase ng paputok na Piccolo.

Nangunguna ang lalawigan ng Albay sa may pinakamataas na bilang na nasa walo; Masbate at Camarines Norte, apat; Camarines Sur, tatlo; Sorsogon na may isang kaso; habang wala pang naitatala sa lalawigan ng Catanduanes.

Pinakabata sa mga biktima ay ang isang taon gulang na sanggol habang karamihan sa sugat ay sa kamay lamang tinamaan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *