Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habambuhay vs 2 akusado sa Chuang kidnap-slay

040314 prisonHINATULAN ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 5 ang pa-ngunahing akusado sa pagdukot at pagpatay sa 5-anyos Filipino-Chinese at sa yaya noong Oktubre ng taon 2000.

Napaluha ang ina ng 5-anyos biktima na si Emily Chuang nang mabatid na makakamit na nila ang katarungan makalipas ang 14 taon pagdinig sa kaso.

Batay sa desisyon ni Judge Emily San Gaspar-Gito, hinatulan ng habambuhay si Monico Santos, habang 15 taon pagkakakulong para sa kasabwat na si Francis Canosa, na siyang nagmaneho ng ginamit na taxi.

Nakatala sa record ng korte na gumawa ng plano ang dalawa para sa pagdukot sa biktimang si Eunice Kaye Chuang mula sa paaralan sa Binondo, Maynila, na pinagdukutan din nila sa yaya na si Jovita Montecino.

Sa kabila ng ibinayad na P300,000 ransom, natagpuan ng mga awtoridad ang walang buhay na bata sa kisame ng bahay ng mga kidnapper sa Malolos, Bulacan, habang natagpuan ding patay ang yaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …