Thursday , June 4 2026

De Lima o Tolentino sa Comelec chairman

122214 leila francisSINA Justice Secretary Leila de Lima at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang dalawa sa napipisil na posibleng mamuno sa Commission on Elections (COMELEC) bilang kapalit ni outgoing Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.

Sina Tolentino at De Lima ang sinasabing ikinokonsidera ng Malacañang para humalili kay Brillantes na magreretiro sa Pebrero 2015.

Kasama rin magreretito ni Brillantes sina Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

Bago pumasok sa gobyerno si De Lima, naging election lawyer muna siya, habang si Tolentino ay dalubhasa sa public international law.

Samantala, itinalaga ni dating Pangulo Corazon Aquino si Tolentino bilang officer-in-charge mayor ng Tagaytay City mula 1986 hanggang 1987 noong kasagsagan ng transition period makaraan ang unang People Power Revolution.

Wala pang komento ang panig nina De Lima at Tolentino kaugnay sa nasabing ulat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …