Monday , December 23 2024

Taas-pasahe ng MRT/LRT epektibo sa Enero 4 (Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon)

122214_FRONTSASALUBUNGIN ng taas-pasahe ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ang mga mananakay sa 2015.

Ayon kay Department of Transportation and Communications (DTC) Secretary Jun Abaya, epektibo sa Enero 4, P11.00 na ang base fare at madaragdagan ng P1.00 ang pasahe sa bawat kilometro ng biyahe sa MRT-3 at LRT-1 at 2.

“It’s a tough decision, but it had to be made,” katwiran ni Abaya. “It’s been several years since an increase was proposed. We delayed its implementation one last time until after the Christmas season.”

Giit ng kalihim, 2003 pa huling nagtaas ng pasahe sa LRT-1 habang hindi pa kailanman nakapagtaas ng pasahe sa LRT-2 at MRT-3. Katunayan, ayon sa DoTC, mula sa original range na P17.00 hanggang P34.00 na pasahe sa MRT noong 1999, kasalukuyan itong nasa P10.00 hanggang P15.00 lang.

Kasabay ng anunsyo sa taas-pasahe, ipinangako ni Abaya ang mas maayos na serbisyo sa mga mananakay.

“While 2015 will see increased fares, it will also see marked improvements in our LRT and MRT services,” pahayag ng kalihim.

Taas-pasahe haharangin

IKINAGULAT ng grupong Train Riders Network (TREN) ang anila’y biglaang pag-anunsyo ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa taas-pasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay James Relativo, tagapagsalita ng grupo, kumokonsulta na sila sa mga abogado kaugnay ng legal na aksyon para harangin ang ipatutupad na taas-pasahe sa tren simula Enero 4.

Nais din nilang papanagutin ang mga opisyal na nag-aproba sa naturang hakbang na sasalubong sa mga mananakay sa 2015.

Pagturing ng TREN sa taas-pasahe, regalo ito ngayong Pasko at Bagong Taon nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at DoTC Secretary Jun Abaya sa mga “incompetent” MRT owner at private contractor, maging sa mga pinuno ng LRT.

Taas-pasahe napapanahon – Palasyo

IDINEPENSA ng Malacanang ang inianunsiyong taas-pasahe ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ikinatwiran ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ilang beses nang naantala ang panukalang taas-pasahe na noong 2013 State of the Nation Address (SONA) pa inihayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Matagal na rin aniyang nakinabang ang mga mananakay ng tren sa malaking subsidiya ng gobyerno.

Paalala ni Coloma, sa P60 dapat na pasahe sa MRT, P15 lang ang ibinabayad ng mananakay dahil may P45 na subsidiya ang gobyerno. Habang sa LRT, P40 dapat ang pasahe ngunit may P25 na subsidiya kaya P15 lang din ang bayad ng bawat pasahero.

“Kung tutuusin naman po, kahit ‘yung ating mga kababayan na nakatira sa mga lalawigan sa Visayas o Mindanao na hindi man lamang tumutuntong sa mga tren ng LRT o MRT, kasama po silang pumapasan doon sa malaking subsidiya na tinutustos para diyan,” sabi ni Coloma.

Kaya giit ng Palasyo, napapanahon na para tanggalin ang malaking subsidiya at ilaan ito sa ibang proyektong mapakikinabangan ng mas maraming Filipino.

Samantala, sinabi ng Palasyo na inirerespeto nila ang ikinakasang hakbang ng ilang grupo para maharang ang taas-pasahe sa tren.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *