Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 totoy nalason sa tuba-tuba

121514 tuba tubaWALO sa 12 binatilyo na kumain ng bunga ng tuba-tuba ang isinugod sa Bulacan Provincial Hospital sa Capitol Compound sa Malolos City, nang sumakit ang tiyan, nahilo at sumuka.

Ang walong biktimang patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ay kinilalang sina Bowen dela Cruz, 9; Jomar Robles, 9; Bien Mar Navarro, 10; Boris dela Cruz, 12; Mar Jaron Narciso, 9; Joshua dela Cruz, 10; Harvey Caballero, 10; Sherwin Santos,7; pawang mga residente sa Brgy. Matimbo sa nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagkatuwaan ang mga biktima na subukang kainin ang bunga ng tuba-tuba na parang mani.

Ngunit makaraan ang ilang oras ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at sumuka kaya isinugod sa pagamutan.

Ayon kay Doktora Jocelyn Gomez ng Provincial Health Office, hindi kinakain ang bunga ng tuba-tuba dahil ito ay nakalalason at posibleng ikamatay ng sino mang kumain.

Dagdag ng doktor, dapat ay palaging pinaalalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak na huwag basta na lamang kakain ng mga bunga ng punong kahoy dahil kalimitan aniya sa mga bata ay nag-eeksperimento at kumakain ng kung ano-anong bunga na hindi nila alam na maaaring makalason.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …