Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

M-16, baseball bat ginamit ng 2 sekyu sa pag-awat (Agency iimbestigahan)

121014 m-16 guardPINAGPAPALIWANAG ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ang Jarton Security Agency, makaraan kumalat sa social media ang footage ng dalawang security guard ng isang mall sa Taguig City na gumamit ng M-16 rifle at baseball bat sa pag-awat nila sa ilang nag-aaway na customer sa isang fastfood chain.

Ayon kay PNP-SOSIA director, Chief Supt. Noel Constantino, nais nilang i-validate ang footage dahil sa unang panonood dito ay tila may paglabag na aniya sa code of conduct ang dalawang security guard.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-SOSIA, lumalabas sa record na walang M16 rifle na idineklara ang Jarton security agency na pagmamay-ari nila at ginagamit sa loob ng mall.

Sinabi ni Constantino, ang ganitong uri ng mataas na kalibre ng baril ay ginagamit lamang sa high risk area at nangangailangan ito ng duty detail order.

Giit ni Constantino, sa sandaling mapatunayang may paglabag, hindi lamang ang dalawa nilang security guards ang maaaring masuspinde o matanggalan ng lisensiya, kundi mismong ang kinabibilangan nilang security agency.

Inihayag ng opisyal na maaaring magsampa ng kasong criminal ang mga indibidwal na natutukan ng M16 rifle ng dalawang security guard.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …