KONTENTO ang Vatican sa nagpapatuloy na pag-hahanda ng Filipinas para sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Enero 2015.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, nasorpresa ang mga opisyal sa Roma sa puspusang paghahanda ng Filipinas.
Ang Filipinas daw ang unang bansa na grabe ang preparasyon kompara sa ibang mga binisita ng Mahal na Papa.
“Officials in Rome were surprised to find that the Philippines is doing preparations aimed at developing spirituality and faith. They claim it is the first time a country which will be visited by a Pope has something like this,” pahayag ni Tagle kasabay ng recollection na ginanap sa University of Sto. Tomas.
Muling nag-abiso si Tagle na kahit makaraos ang Papal visit sa Enero, dapat ay magpatuloy pa rin ang spiritual preparations ng mga Filipino.
Una rito, nagpaalala ang Vatican na hindi dapat maging magastos ang paghahanda sa pagbisita ni Pope Francis.
Karla Orozco