Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

E. Samar umapela ng rasyong pagkain

120914 Ruby easternUMAPELA ng tulong ang ilang lokal na pamahalaan sa Eastern Samar makaraan salantain ng Bagyong Ruby.

Bukod sa walang suplay ng koryente at may mga nasirang impraestruktura, paubos na ang suplay ng pagkain para sa libo-libong residente na naapektohan ng bagyo.

“Sobrang laki po ng damage rito, halos lahat ng kabahayan namin ay apektado,” pahayag ni Mayor Marian June Libanan ng bayan ng Taft.

Nasa 3,200 aniya ang evacuees nila o katumbas nang mahigit 1,000 pamilya.

“Kailangan po talaga namin ng food supply, mauubusan na po kami rito,” apela ni Libanan.

Sa bayan ng Quinapondan, binanggit ni Mayor Nedito Campo na minimal ang epekto ng Bagyong Ruby kompara sa Bagyong Yolanda noong isang taon, ngunit may mga nasirang gusali at bahay.

Nasa 13,000 residente aniya ang inilikas mula sa flood at landslide-prone areas.

“Kung suplay ng pagkain ang pag-uusapan, mukhang wala na kaming pagkain dito (na mabili) sa mga tindahan,” pahayag ni Campo.

Tulad nina Mayor Libanan at Campo, sinabi rin ni Jipapad Mayor Delia Monleon, kulang na sila sa pagkain at wala pa rin suplay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Walang koryente, problema rin ang pagkain, nagbaha sa amin,” kwento ni Monleon.

Habang pahayag ng DSWD, patungo na sa mga bayan sa Eastern Samar ang mga trak na may kargang relief goods.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …