SA Disyembre 10 ay ibibigay na ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensioner ang kanilang Christmas bonus sa pamamagitan ng kanilang eCard accounts.
Ayon kay GSIS President Robert Vergara, kanilang inilaan para sa naturang benepisyo ang P2.42 bilyon. Mas mataas aniya ito ng 15% kompara sa alokasyon noong nakaraang taon na umabot sa P2.10 bilyon.
Ipamamahagi ang cash gift mula P10,000 hanggang P12,600 sa pensioners na retirado dahil sa edad o sa ‘disabilities’ o kapansanan.
Habang ang pensioners na nakatira sa ibang bansa o sa Autonomous Region for Muslim Mindanao na nasuspinde ang status ay maaaring makuha ang kanilang cash gift kung mapapa-activate nila ang kanilang status bago lumagpas ang Abril 30, 2015.
Jaja Garcia