Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, laging taya raw sa date nila ni Bret

ni Alex Brosas

SI Andi Eigenmann pala ang gumagastos sa mga date nila ni Bret Jackson.

Ito kasing si Andi ay masyadong na-hurt nang maglabasan ang kissing photos ni Jake Ejercitosa social media. Para makaganti at para pagselosin si Jake ay gumawa ito ng paraan para maging visible rin sa internet na may kasamang ibang lalaki. Si Andi pa nga raw ang nagyaya sa manliligaw niyang si Bret para gumimik sila.

Since mas mapera si Andi ay siya raw ang parating taya kapag lumalabas sila para gumimik. Talagang ginagastusan daw ng aktres ang mga paglabas-labas nila ng newbie actor.

Enjoy na enjoy naman daw itong si Bret na aminadong may gusto naman kay Andi. Ewan nga lang kung sincere siya o isa ring malaking gimik ang announcement niya na type niya si Andi.

Anyway, tila hindi naman naging successful si Andi sa pagpapaselos niya kay Jake. Hindi rin kasi siya binalikan nito. Ang mas malala pa, iba’t ibang babae ang kasama raw nito sa gimikan.

Ang nakakaloka pa, selos na selos naman daw itong si Bret nang malaman niyang nagkabalikan sina Andi at Jake, bagay na wala naman palang katotohanan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …