Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napananatili ang kasariwaan dahil busilak ang puso!

Kung ang isang dati-rati’y sariwa at gandarang sexy singer ay parang sinipsipan na ng pitong libong linta (sinipsipan ng pitong libong linta raw talaga, o! Harharharhar!), at ‘yung balingkinitan ang pangangatawang pangmasang singer ay tipong napabayaan na sa kusina (napabayaan na raw sa kusina, o! Hakhak-hakhakhakhakhak!) at matronang-matrona na ang arrive, sa tuwing makikita namin in person si Ms. Claire dela Fuente, ‘di namin maiwasang huma-nga sa maganda niyang pag-aalaga sa kanyang katawan.

Honestly, even in broad daylight, young-looking pa rin si Ms. Claire.

Aba’y wala siyang crow’s feet at gatla sa kanyang noo at makinis ang kanyang balat na parang in her late 30s lang o early 40s. Hahahahahahahahahahaha!

What could be her secret?

Simple lang, hear no evil, speak no evil and think no evil. Hahahahahahahahahaha!

Hindi kasi si Ms. Claire ang tipong mahilig sa mga walang kapararakang chismis at mas feel niyang mag-focus na lang sa kanyang thriving resto business.

Mereseng may mga taong mahilig siyang intrigahin at gawan ng kwento tulad sa isang personalidad na paborito siyang gawan ng mga nakasusulasok na mga kwento, (nakasusulasok na kwento raW talaga, o! Hahahahahahahahahaha!), dedma lang si Ms. Claire at wah weather sa mga kotongero’t intrigero.

Hahahahahahahaha!

‘Yun nah!

Kahit nga ‘yung isang tamolmolic na entertainment writer ay never niyang pinansin at glinorify ang mga pantasya nito’t ilusyon. Hahahahahahahahaha!

Kaysa mangunsumi sa mga walang kapara-rakang mga intriga, feel na lang ni Ms. Claire na asikasuhin ang kanyang mga negosyo at ang kanyang mga anak na mga binata na at kadalasa’y naglalambing sa kanyang mamasyal kung saan-saan.

‘Yun lang!

ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …