Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gunrunner na tulak bulagta sa pulis

PATAY ang isang sinasabing gun runner na tulak ng illegal makaraan makipagbarilan sa aarestong mga awtoridad sa operasyon ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad namatay sa insidente ang suspek na si Roderick Depaz, 34, alyas Odek, ng Phase 7A, Package 10, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang sugatan din ang mga purok leader ng Brgy. 176 na sina Dandi Ortilla at Richard Domalanta, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa paa at hita.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, may hawak ng kaso, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Phase 5B, Block 22, Lot 29, ng nasabing barangay makaraan ang maikling ha-bulan.

Nauna rito, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga miyembro ng Intelligence Branch nang mapansin ang dalawang tao sa pagitan ng isang Honda (OY-6393) at Racal motorcycle (NZ-2996) ngunit mabilis na tumakbo nang mapansin ang mga pulis.

Pagkaraan ay nakipagbarilan na si Depaz hanggang sa bumulagtang walang buhay sa loob ng pinasok na bahay.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng suspek ang isang kalibre .45, dalawang magazine na puno ng bala at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …