NAKAKULONG sa loob ng Villamor Airbase sa Pasay City ang 22 miyembro ng Philippine Air Force (PAF) dahil sa pagkakasangkot sa isang hazing incident noong Agosto.
Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Enrico Canaya, sa 22 sundalong akusado sa kaso ng hazing, siyam dito ang inirekomendang i-dismiss sa serbisyo habang 13 ang isasailalim sa preliminary investigation.
Habang tumanggi si Canaya na pangalanan ang 22 PAF personnel dahil ongoing ang imbestigasyon.
Ayon sa report, naganap ang hazing incident sa isinagawang training sa Lipa City, Batangas noong Agosto.