Thursday , June 4 2026

Pacman no comment sa babayarang buwis

080614 BIR sargen pacmanGENERAL SANTOS CITY – Hindi sinagot ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang tanong ng media sa press conference, ang kaugnay sa babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Pacman, ang dapat lamang na pag-uusapan ay kaugnay sa boxing.

Nangyari ito nang sabihin ng Filipino ring icon na handa niyang sagutin ang tatlong tanong kahit natapos na ang oras nang pagtatanong ng mga mamamahayag.

Napag-alaman, naging kontrobersyal ang buwis ni Pacman nang singilin ng BIR sa kanyang hindi nabayarang obligasyon sa gobyerno sa mga nakaraang taon na nagresulta sa pagsampa ng kaso.

Bukod sa buwis na babayaran ni Manny sa laban kay Chris Algieri, wala pang desisyon ang Court of Tax Appeal sa P2 billion income tax assessment.

Sa laban kay Algieri, naging usap -usapan na aabot sa P320 million ang tax ni Pacman kung pagbabatayan ang kanyang $20 million guaranteed prize.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …