Monday , December 23 2024

Paglilipat sa NBP inaapura

102314 bilibidANG Agarang pagpapatupad ng modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakikitang solusyon sa paglabas-masok ng droga, cellphone at iba pang ipinagbabawal sa New Bilibid Prison (NBP).

Magugunitang noong Mayo 2013 ipinasa ni Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukala para sa modernization ng BuCor o Republic Act 10575 na layong i-upgrade ang prison facility, i-restructure ang kawanihan at itaas ang sweldo at benepisyo ng mga empleyado.

Sinabi ni NBP Officer in Charge Supt. Robert Rabo, problema ang lapit ng piitan sa komunidad.

”Ang amin sanang nire-request na kung maaari ay maapura na ‘yung aming Modernization Act. Mai-transfer na po sa isang lugar na malayo po doon sa publiko.”

Umaasa si Supt. Celso Bravo, Assistant Directors for Operations ng NBP, na masosolusyunan ang over population sa piitan na may kapasidad lamang na 3,500 ngunit ngayo’y nagkakanlong nang mahigit 14,000 preso.

Habang sinabi ni Jonathan Morales, dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ngayo’y miyembro ng NGO na Anti-Drugs Advocate, hanggang ngayo’y kompirmadong nakapag-o-operate pa rin ang mga drug syndicate kahit nakakulong ang ilang lider nito.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *