Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salon manager, taxi driver utas sa trigger happy

111314_FRONTDALAWA ang patay sa magkasunod na insidente ng pamamaril Quirino Highway, Lagro, Fairview, Quezon City kahapon ng tanghali.

Ayon kay Insp. Elmer Monsalve, unang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang manager ng Salon de Luxe na si Gasper Brioso.

Nagpanggap na kustomer at nagpa-manicure ang suspek saka binaril si Brioso.

Nabatid na manager din si Brioso ng isa pang branch ng salon at napadaan lamang sa kanilang sangay sa Lagro.

Agad tumakas ang suspek na sumakay ng bus, tinutukan ng baril ang driver at kinuha ang uniporme.

Tinangkang lumipat ng suspek sa John Matthews taxi sa hindi kalayuang lugar ngunit hindi siya pinagbuksan ng driver na si Norberto Espiritu kaya pinagbabaril.

Isinugod sa San Lorenzo Hospital si Espiritu ngunit binawian din ng buhay.

Nakatakas ang gunman nang muling sumakay sa isa pang bus.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroong kuha ng CCTV camera sa lugar at kung ano ang motibo sa krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …