Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 parak, 2 pa timbog sa holdap

110814 holdapNAKAPIIT na ang apat kalalakihan kabilang ang dalawang bagitong pulis habang pinaghahanap ang isa pang parak makaraan holdapin ang isang messenger na may dalang P1.2 million cash na idedeposito  sa isang banko sa Pasay City kamakalawa.

Nakakulong sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina PO1 Ronald Villanueva, 33, ng Block 16, Lot 7, Croatia St., Chera Nevada Subd., Cavite City; PO1 Alas Noli Tiu Soliman, 33, nakatira sa Valenzuela City, kapwa nakatalaga sa Central Park Police Community Precinct (PCP)-5, ng Pasay Police; Limuel Camposagrado, 28, at Alexander Pantoja, 32, kapwa ng Sitio Ilang, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite.

Habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si PO2 John Mark Manguera.

Samantala, kinilala ang biktimang si Jeffrey Rabe, 24, messenger ng Senubi Travel and Tour Company.

Sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, kay Chief Supt. Henry Ranola Jr., Officer-In-Charge (OIC) ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente 4:30 p.m. kamakalawa sa kanto ng Macapagal Boulevard, Gil Puyat Avenue (dating Buendia Extension) ng nasabing lungsod.

Lulan ng motorsiklo ang biktimang si Rabe dala ang halagang P1, 002,931.00 upang ideposito sa banko nang biglang harangin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, tinukan ng baril saka sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng nasabing halaga.

Naaresto sa follow-up operation ng mga pulis sina Camposagrado at Pantoja sa kanilang bahay dakong 5:30 p.m.

Nakompiska mula kay Pantoja ang isang kalibre .9mm baril na natuklasang pag-aari ni PO1 Villanueva

Ikinanta ng mga suspek ang tatlong pulis na nagresulta upang madakip sina Villanueva at Soliman habang pinaghahanap pa si Manguera.

Samantala, narekober ng mga pulis mula kay Villanueva ang P349,000 halaga mula sa hinoldap na pera.

Manny Alcala/Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …