Monday , December 23 2024

3 todas sa onsehan sa droga (Sa CSJDM, Bulacan)

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng armadong kalalakihan ang tatlo katao sa tinutuluyan nilang bahay kamakalawa sa CITY of San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa imbestigasyon, anim armadong lalaking sakay ng tatlong motorsiklo ang biglang duma-ting sa tinutuluyang bahay ng mga biktima sa Brgy. Sto. Cristo, sa naturang lungsod.

Tatlo sa kanila ang pumasok at pinagbabaril ang mga biktima na agad ikinamatay nina Kristina Sta. Maria, 38, at Andrew Bovier, 18-anyos.

Habang binawian ng buhay sa pagamutan si Dindo Matias at inoob-serbahan ang isa pang biktimang si Renz Nathaniel Cabantug.

Sa loob ng bahay, nadatnan ng mga imbestigador ang isang kilo ng marijuana, timbangan, ilang drug paraphernalia at mga gulay na pinagtataguan ng droga para ipuslit.

Dahil dito, pinaniniwalaan ng CSJDMPolice na onsehan sa droga ang motibo sa krimen lalo’t talamak ito sa lugar.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *