Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspek sa rape sa UPLB student natimbog

073014 arrest posas

ARESTADO na ang tricycle driver na suspek sa panghahalay sa isang freshman student ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Sr. Supt. Florendo Saligao, direktor ng Laguna PNP, 12:45 a.m. nang maaresto ang 26-anyos na si Jose Montecillo y Vivas alyas Joey, sa bahay ng kanyang tiyahin sa Calauan, Laguna habang nagtatago.

Bago naaresto ang suspek, Huwebes ng madaling araw nang simulan ng pulisya ang imbestigasyon at napag-alamang may live-in partner ang suspek na naka-confine sa Bay District Hospital na kapapanganak pa lamang sa ikalimang supling nila.

Ibinigay sa mga pulis ng asawang naka-confine sa ospital, ang sulat na ipinadala sa kanya ni Joey sa pamamagitan ng kapatid ng suspek.

Nakasaad sa sulat ang paghingi ng tawad ng suspek sa nagawang krimen at sinabing ingatan ng partner ang bahay nila at mga anak dahil magtatago muna siya.

Sasampahan si Joey ng kasong rape makaraan positibong kilalanin ng biktima.

Nakatakdang isailalim ang suspek sa drug test. (BETH JULIAN)

RAPE SUSPECT LOLO NAGBIGTI

MISTULANG hinatulan ng kamatayan ng isang 67-anyos lalaki ang kanyang sarili nang magbigti kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City bunsod ng kinakaharap na kasong statutory rape.

Kinilala ang biktimang si Jesus Dumanjog, biyudo, residente ng RMS Ville, Upper Tibagan St., Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Sa ulat nina SPO3 Armando Delima at PO3 Ronaldo Subosa, dakong 12:30 p.m. nang matuklasan ang nakabigting biktima sa loob ng kanyang bahay.

Salaysay ng apo ng biktima na si Quenie Rose, hinahanap niya ang kanyang lolo at natagpuan na lamang na nakabigti sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

May kinakaharap na kasong statutory rape ang biktima at nakatakdang magtungo sa korte ngayong linggo para sa paglilitis.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …