Saturday , November 23 2024

Isolation room sa NAIA para sa Ebola cases (Alert level 3 ikinakasa ng PH)

101814 NAIA ebola

NAGHANDA na ng isolation room ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga pasaherong nanggagaling sa mga bansang may kaso ng Ebola.

Ayon kay Robert Simon ng Airport Emergency Services Department, kayang idetine sa loob ng silid ang 100 indibidwal.

Dati itong training room ng rescue and firefighting building ng NAIA, sa pagitan ng Terminal 2 at Terminal 3.

Dagdag ni Manila International Airport Authority (MIAA), Asst. General Manager for Operations Ricardo Medalya, may shuttle bus ang MIAA na susundo sa mga pasahero mula sa eroplano patungo sa isolation room upang masuri.

Ang kwarto ay ginamit na noong 2002 bilang isolation room din ng mga pasaherong hinihinalang dinapuan ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Samantala, ikinakasa na ng Filipinas ang pagtataas sa alert level 3 sa mga bansa sa West Africa na mayroong Ebola virus outbreak.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sa kalagitnaan ng Nobyembre ay itataas na sa alert level 3 ang warning sa West Africa.

Ayon kay Coloma, sa ilalim ng alert level 3 magpapatupad na ng voluntary repatration sa mga Filipino sa West Africa dahil sa banta ng Ebola virus.

Inihayag ni Coloma, maaapektohan ang 1,755 Filipino sa West Africa na kinabibilangan ng 1,044 sa Sierra Leone, 200 sa Liberia at 511 sa Guinea.

Dagdag ni Coloma, sa ngayon ay pinalalakas ng Department of Health (DoH) ang kakayanan ng bansa para harapin ang banta ng Ebola virus.

Sa huling ulat, mahigit sa 4,000 katao ang namatay dahil sa Ebola partikular sa apat na West African countries gaya ng Guinea, Liberia, Nigeria at Sierra Leone.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *