Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biyaya bumuhos sa pandesal boy (Makaraang maholdap)

101114 pandesal holdapMAKARAAN maging viral sa social media at lumabas sa mga pahayagan ang balita kaugnay sa isang 11-anyos vendor ng pandesal na umiiyak at nanginginig sa takot makaraang holdapin, bumuhos ang dumarating na biyaya para sa kanya.

Nitong Sabado, personal na binisita ni Mayor Oscar Malapitan ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos sa kanyang bahay sa Brgy. 168 Deparo, Caloocan North at personal na kinausap ang biktima sa kanyang karanasan at nang mabatid na nagsusumikap ang bata sa kagustuhang makabili ng bisekleta ay agad niyang tinugunan.

Sa flag raising ceremony sa harap ng city hall sa lungsod, personal na iniabot ni Mayor Malapitan ang P20,000 cash sa nanay ng biktima upang maging puhunan sa maliit na negosyo para hindi na magtrabaho ang kanyang anak.

Kaugnay nito, naniniwala si Sr. Supt. Ariel Arcinas, hepe ng lungsod, malapit na nilang maaresto ang ang suspek makaraan isa-isahin ang mga kuha ng close circuit television (CCTV) malapit sa pinangyarihan ng insidente sa nasabing lugar.

Sa nasabing CCTV footage ay nahagip ng camera ang isang lalaking naglalakad na may itinatago sa baywang at nang ipakita sa biktima ay positibong kinilala ng bata. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …