Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, nasa bucket list ni Jessy

 ni Roldan Castro

101214 jessy john lloyd cruz

MASAYA si Jessy Mendiola na nakasama niya sa work si John Lloyd Cruz.

“Bucket list ko talaga makatrabaho si John Lloyd. Pumasok ako ng showbiz para makatrabaho siya,” deklara niya na sinabi pang pinanoood niya ang mga teleserye ni JLC gaya ng Maging Sino Ka Man etc..

Tinanong din si Jessy kung nailang ba siya sa love scene nila ni JLC?

“Mas kinakabahan ako kasi napakagaling niyang aktor at kailangan ikaw din ay sumabay din sa galing niya. Kasi sobrang galing niya. Siya ‘yung tipong tititigan ka niya, ‘di siya magsasalita ng kahit ano, pero alam mong inaalalayan ka niya. He has that look na, ‘you got this.’ Kapag nakuha mo ‘yung eksena, parang nandoon ‘yung look na, ‘okay, nakuha mo siya,’” pakli ng magandang aktres.

Hindi lang ang career ni Jessy ang maganda pati na ang pakikitungo sa ex-boyfriend niyang si JM De Guzman na napapanood ngayon sa seryeng Hawak Kamay.

Nagulat daw siya noong una niya itong makita sa UP na nagjo-jogging. Na-shock siya pero happy siya para kay JM. Wala raw ‘yung bad memories sa muling pagtatagpo nila after two years.

Nagpunta rin siya sa nakaraang birthday celebration ni JM dahil sa yaya ng friends nila. Aminado siya na nahihiya siyang pumasok noong una lalo’t nandoon ang family ng ex-boyfriend. Nanghihina raw ang tuhod niya pero pinilit din siya ng friends nila na pumasok. Nasorpresa naman daw si JM at naging okey ang lahat.

Siyempre, nandoon din ang mga biruan at asaran.

Talbog!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …