PINAG-AARALAN ng Department of Health (DoH) kung magpapadala sila ng Filipino health workers sa Africa para tumulong sa mga lugar na apektado ng Ebola virus.
Ayon kay DoH Secretary Enrique Ona, humihiling na ang international community ng assistance sa bansa para mapigilan ang patuloy na pagkalat ng nasabing sakit.
Maaari aniyang manpower o pera ang ibibigay nila sa World Heath Organization (WHO).
Sinabi ni Ona, kailangan nilang paghandaan kung magpapadala sila ng health workers at kailangang may sapat na training ang volunteers bago i-deploy.
Sa pagtaya ng WHO, tatagal pa ang nasabing outbreak sa loob ng siyam na buwan.
Nabatid na sa huling report ng WHO, aabot na sa 4,033 ang bilang ng mga namatay mula sa 8,399 kaso.
Kasama sa mga namatay ang 2,316 katao mula sa Liberia, 930 sa Sierra Leone, 778 sa Guinea, walo sa Nigeria at isa United States.