Friday , November 15 2024

Arestadong 3 bombers, bomb threats iniimbestigahan

101114 crime investigation

BINIBERIPIKA ng intelligence and investigation unit ng pambansang pulisya kung may kinalaman sa napaulat na bomb threats sa dalawang paaralan sa Maynila at Quezon City ang pagkakaaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa tatlong suspek na nakompiskahan ng hand grenades at iba pang paraphernalia.

Ayon kay PNP PIO chief, Senior Supt. Wilben Mayor, kumikilos na ang intelligence and investigation unit ng PNP para matukoy kung sino ang nasa likod nang bomb threats.

Giit pa ni Mayor, bina-validate na rin nila ang mga report kaugnay sa pagkakaaresto ng mga operatiba ng QCPD sa tatlo katao na nahulihan ng mga pampapasabog.

Hindi dini-discount ng pulisya ang posibilidad na may ilang grupo ang nais lamang manakot.

Siniguro ng PNP na hindi nila binabalewala ang nasabing banta sa katunayan ay kanila itong pinagtutuunan ng pansin.

NAGKAKALAT NG FAKE BOMB THREATS BINALAAN NG PNP

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagkakalat ng pekeng bomb threat sa Metro Manila kasunod ng babalang inilabas ng Estados Unidos sa mga kababayan sa bansa.

Giit ni PNP Spokesperson Wilben Mayor, tutugisin nila ang mga nasa likod ng bomb scare.

“Siguro ito na rin ang pagkakataon para mabigyan natin ng babala ang ibang walang magawa sa buhay kundi mag-spread ng false bomb threats, na ito po ay violation sa batas base sa Presidential Decree (PD) 1727 otherwise known as the Anti-Bomb Joke Law,” sabi ni Mayor.

Parusa aniya rito ang pagkakulong nang hanggang limang taon o multang aabot ng P40,000.

Matatandaan, kamakailan nabulabog nang sunod-sunod na pekeng bomb threats ang iba’t ibang paaralan sa Metro Manila partikular ang Far Eastern University, Polytechnic University of the Philippines, Southville International School and Colleges, San Beda College, Claret School at Miriam College.

Aminado si Mayor na malaki ang epekto ng mga bantang ito sa publiko.

“Kaya nga pinag-iingat natin ang ating mga mamayan tungkol sa ganitong sitwasyon kasi hindi natin dini-discount ang possibility na meron namang mga grupo na trying to exploit ‘yung ganitong situation but again dapat maging cautious tayo dito at siguro magiging maingat tayo.”

ARELLANOUNIVERSITY LAW SCHOOL NABULABOG SA BOMB THREAT

TATLONG oras na hinalughog ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) & Explosive Ordnance Disposal ng Pasay City Police ang isang law school makaraan makatanggap ng bomb threat sa cellphone ang isang guro kahapon ng umaga.

Namayani ang tensiyon sa mga estudyante at professor sa ‘bomb scare’ kahapon .

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, natanggap ang mensahe sa cellphone dakong 9:44 a.m. ng isang guro ng Arellano University Law School sa Taft Avenue ng naturang siyudad.

Ayon sa gurong si Dayan Barlaan, 35, high school teacher, nakasaad sa text ang katagang “May bomba diyan na sasabog sa eskuwelahan ninyo, anong akala nyo mga gago nyo nagpatawag pa kayo ng Swat dyan, humanda kayo may swat pa kayo ba na tignan ko lang kung mailigtas kayo ng Swat nyo ngyon ito ang totoong watch and learn boom mamamatay kayong lahat sabog na boom boom.”

Ipinaalam agad ni Barlaan ang natanggap na mensahe sa mga kapwa guro at sa mga awtoridad.

Dali-daling nagreponde ang mga tauhan ng SWAT ng Pasay City Police sa nasabing paaralan.

Bawat sulok ng paaralan ay hinalughog ng mga awtoridad kasama ng K-9 dog ngunit walang natagpuang bomba. (JAJA GARCIA)

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *