HINDI na kami magtataka kung lilipat sa ibang TV network ang kilalang aktres dahil hindi siya nabibigyan ng magandang project sa network kung saan naka-kontrata siya.
Hindi naman itinanggi ng kilalang aktres na may mga offer siya, pero hindi naman daw maganda ito para sa imahe niya na parang napipilitan na lang daw siyang bigyan ng project na pawang supporting dahil nga naka-kontrata siya.
Sa madaling salita ay tinanggihan ng kilalang aktres ang mga offer bagay na ikinainit ng ulo sa kanya ng executives ng network.
Kaya ang ending, waley project si kilalang aktres at hinala namin na pinapa-expire na lang ng network ang kontrata niya at pakakawalan na siya.
Hmm, hindi kaya masyado namang choosy si kilalang aktres sa mga project niya? Dapat hindi lalo’t maraming baguhan ngayon na anytime ay puwedeng pumalit sa trono niya.
Ano ba, wala pang napapatunayan, choosy na? Dapat sunggap ng sunggap lang basta trabaho at okay ang bayad, keri na.
ni Reggee Bonoan