Monday , December 23 2024

Sanggol dinukot sa Baywalk

100714 baywalk baby dukotNASAGIP ang isang sanggol ng mga operatiba ng MPD-PCP Lawton makaraan dukutin ng suspek na si Melanie Enocencio, 33, sa Baywalk sa Roxas, Blvd., Maynila habang natutulog ang mga magulang na kapwa vendor. (BONG SON)

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Community Precinct 5, sa Lawton, Maynila ang isang sanggol makaraan dukutin ng isang babae kahapon ng madaling araw sa Roxas Blvd., Maynila.

Ayon kay PO3 Anthony Navarro, dakong 2 a.m. iniulat ni Diana Santiago, 31, na nawawala ang kanyang sanggol na si Camille.

Ayon kay Diana, nagtitinda silang mag-asawa sa Pedro Gil nang sila ay makatulog. Ngunit sa kanilang paggising ay nawawala na ang kanilang sanggol.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, namataan nila ang suspek na si Melanie Enocencio 33, ng Caloocan City, na pagala-gala sa Lawton, Maynila habang karga ang isang sanggol.

Nang usisain ng mga pulis, inamin ng suspek na napulot niya ang sanggol sa Baywalk.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *