Saturday , November 23 2024

Purisima ‘di nagsasabi nang totoo — Osmeña, Poe

091914 purisima

HINDI nagsabi ng buong katotohanan sa ginanap na Senate inquiry si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Serge Osmeña at Senate committee on public order and dangerous drugs chairperson Sen. Grace Poe.

“I’m not convinced that he’s telling the truth entirely or if he’s revealing the entire truth. Maybe there’s a partial truth to it but perhaps not the entire truth,” wika ni Poe.

Sa ngayon ay binabalangkas ng komite ang kanilang report na nalikom mula sa mga nakaraang pagdinig.

Ngunit posibleng makaapekto ang mga sinabi ni Purisima sa pagdinig sa ilalabas nilang committee report.

PALASYO ‘KOMBINSIDO’ KAY PURISIMA

KOMBINSIDO ang Palasyo na pawang katotohanan ang lahat ng sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima sa Senado kamakalawa.

“All I can say is that he answered with candor and with truthfulness, and it was based on the documents submitted, and also the SALN,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda hinggil sa pagdalo ni Purisima sa imbestigasyon sa Senado.

Iginiit pa niya na maraming reporma sa PNP ang ipinatupad ni Purisima , gaya nang pagsaayos ng sistema ng pagsusuplong ng krimen at disiplina sa pulisya.

Sa kabila nang pagkakasangkot sa isyu ng katiwalian, naniniwala pa rin aniya ang Palasyo na may “moral ascendancy” pa rin si Purisima na pamunuan ang PNP.

Nauna nang ipinagtanggol ni Pangulong Benigno Aquino III si Purisima laban sa mga kaso ng katiwalian dahil kilala raw niya ang heneral bilang ‘hindi matakaw at hindi maluho’.

(ROSE NOVENARIO)

PALITAN NA SI PURISIMA

KUNG tatanungin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, irerekomenda ni Senador Sergio Osmeña na pagbakasyunin na si PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima at kumuha na ng kapalit.

“That’s the least I can do, and the least he can do also kung kaibigan niya si PNoy,” sabi pa ng senador.

Makaraan ang pagdinig ng Senado nitong Martes na nadikdik ang PNP chief sa isyu ng kwestyonableng yaman at kriminalidad sa bansa, naniniwala si Osmeña na dapat nang mag-early retirement ang opisyal.

“Sinabi ko na, kahapon po, his best option to give his friend, PNoy, the least headache is just to take early retirement,” himok ng senador.

“Huwag ka (Purisima) nang umimik d’yan, kasi napaka-controversial niya hindi ‘to matapos-tapos. As long as nakaupo siya du’n, mawawala ang kompiyansa ng taumbayan.”

Naniniwala ang senador na malaki ang pagkakaiba ng mga nakikitang yaman ng heneral sa nakadeklara sa kanyang statement of assets and liabilities (SALN).

Bukod sa problema sa liderato sa PNP, may isyu ukol sa korupsyon sa hanay ng pulisya at incompetency.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *