Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita nilamas ng batilyong manyak

100114 topless hand cover boobs bastos

MALAMIG na rehas na bakal na ang hinihimas ng isang manyakis na batilyo (fish porter) makaraan maaresto matapos lamasin ang dibdib at ibabang kaselanan ng isang 13-anyos dalagita kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Jerry Tumalakad Mateo, 28, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 7610 (Child Abuse), nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police.

Batay sa ulat ni PO2 Jenny-Lyn Manabat ng Women and Children Protection Desk ng Navotas City Police, dakong 8 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng Agora Market sa nasabing barangay.

Salaysay ng biktimang si Grace, ng Yellowbell St., kasama niya ang mga kaklase habang naglalakad pauwi nang sumulpot ang suspek at agad nilamas ang kanyang dibdib.

Hindi pa nasiyahan ay pati ang ibabang kaselanan ng biktima ay dinakma ng suspek bago mabilis na tumakbo habang tuwang-tuwa.

Mabilis na nakapagsumbong sa kanyang ina ang biktima dahilan upang agad humingi ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …