Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, aminadong ang misis niya ang nagsasabi kung paano hahalikan si Maya

080614 Richard Yap ser chief

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Richard Yap, natanong naman siya kung sakaling binata pa siya ay kung magkakagusto siya sa leading lady niyang si Jodi Sta. Maria.

“I don’t know, mahirap sagutin ‘yan kasi si Jodi naman hindi mahirap sagutin, lovable person, ano siya funny, she’s always make fun of me. So, hindi muna namin inisip ‘yun kasi we really treat each other as friends so, ‘yun,” diretsong sabi ni Ser Chief.

Malungkot din daw ang tsinitong aktor sa pagtatapos ng nasabing serye.

“Hindi talaga mawawala ‘yung sadness na it has to end. We’re also happy that maganda ‘yung show ngayong patapos na hindi kailangang tapusin kasi (hindi maganda ang ratings). Lahat naman may katapusan,” saad ni Ser Chief.

Iisa ang tanong ng lahat kung paano tatapusin ang kuwento ng Be Careful With My Heart.

“Wala pa kaming idea, hindi pa nai-share sa amin,” saad nito.

May project na bang kasunod si Richard.

“I’ll be shooting the movie with Vice (Ganda) ‘Praybeyt Benjamin 2’, so ‘yun palang ang alam ko,” say ng aktor.

Natanong din kung ano ang gusto nitong role sa mga susunod nitong project.

“Kahit ano naman ang offer sa kain basta maganda ang istorya. Pero siyempre, of course, gusto naming gumawa ng iba naman, hindi ‘yung ganitong role, puwedeng may kaunting action, comedy, something like that. Hindi naman all out action, paran ‘yung (ginagawa) ni Liam Neeson,” sabi ni Richard.

Wala raw problema kung kontrabida ang ibigay sa kanya, ”okay din, why not, basta it’s a good role, hindi naman ako mapili (kasama), maski sino naman, I’m open to anyone, pairing with anyone.”

Sa kabilang banda, tulad ni Jodi ay magbabakasyon din daw sa ibang bansa si Richard pagkatapos ng BCWMH, ”siguro next year, or December, para maka-bonding ko naman ang mga bata quite sometime. Siguro ‘pag bakasyon na nila ulit,” say ng aktor.

Aminadong nawalan na rin ng oras sa mga anak niya, ”oo, hindi kami nagkikita. Minsan text lang ‘pag paalis sila, ako rin paalis din, minsan hindi rin kami nagkikita kasi tulog pa ako.”

Ang sobrang ipinagpapasalamat daw ni Richard ay ang sobrang maunawain ng kanyang misis,”hindi naman (nagtatampo) kasi parati kaming nag-uusap maski na nasa set ako, lagi kaming nagtatawagan. Walang problema sa kanya kasi alam niyang trabaho lang. Kung wala ka namang ginagawa, siyempre walang guilt feelings, so she’s very understanding kasi alam naman niya kung anong pinasok ko.”

At ang revelation ni Ser Chief ay number one fan daw nila ni Maya ang kanyang misis.

“Oo, gusto niya, she’s (our) number one fan, kasi kapag kami (magka-eksena) sinasabi niya (misis), ‘o, ayusin mo ha, hawakan mo siya (Jodi)’ at sa tanong namin kung pati ang kissing scene nila ni Maya, ”oo, siya rin ang nagsasabi para kiligin ang mga tao, walang selos talaga, never talaga,” kuwento ni Richard.

At inamin din ng aktor na sa mga nakasama niya sa projects ay si Jodi raw talaga ang gusto niya, ”si Jodi kasi siya ‘yung kasama ko, longest running show so far. ‘Yung iba naman kasi medyo maiksi lang, so hindi naman masyadong na-focus on that love team.”

At dahil super sikat ngayon si Richard at hindi naman niya itinanggi na talagang malaki ang nagawa ng Be Careful With My Heart sa buhay niya.

“Of course, mas grabe ang work load, dumami ang exposures ko sa viewers, endorsements, open up door to my singing career so medyo maraming nagbago talaga sa akin, I don’t have much private (life) like what I did before, pero I think, it all good naman,” aniya.

Usapan na sa apat na sulok ng ABS-CBN na mahihirapan ang programang ipapalit sa timeslot na iiwan ng BCWMH dahil baka hindi ito mag-rate tulad ng nasabing programa.

“Well, I think kahit kami kung kami ulit ang papalit sa slot na ito, we’re not sure kung (tanggap), I think, everybody should do their best and nasa story din ‘yan at actors at kung matatanggap ng mga tao na maganda, eh, ‘di they have the winning formula, right now hindi rin natin masasabi kung sino ang papalit or sino ang mga actor and what kind of story,”pagtatapos ni Richard.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …