WALANG batayan ang hinanakit ng mga Fil-Am sa California na inisnab sila ni Pangulong Benigno Aquino III sa limang araw na working visit sa Amerika.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang nakatakdang pagpupulong ang Pangulo sa mga Filipino na nakabase sa San Francisco, dahil ang schedule ng Pangulo ay meeting sa mga pinuno ng dalawang malaking pandaigdigang kompanya sa entertainment at banking na nais mamuhunan sa Filipinas.
Nauna rito, inihayag ng mga Filipino sa San Francisco na nagtatampo sila kay Pangulong Aquino na mas minabuti pang atupagin ang pagbisita sa isang gun store doon at kumain sa McDonalds kaysa makipag-usap sa kanila.
Kabilang sa mga isyu na gusto sana nilang talakayin kay Pangulong Aquino ay ang temporary protection status (TPS) upang personal na iapela ng Punong Ehekutibo kay US President Barrack Obama na mailigtas sa deportasyon ang mga Filipino na biktima ng kalamidad sa Filipinas.
“All it takes now is a call from him to President Obama, urging President Obama, especially in light of the recent typhoon — the devastation around the country. He has not included the overseas Filipino community, any mention of the (Fil-Ams) in his State of the Nation Address. That’s 12 million people who contribute at least $24 billion a year to the Philippine economy, and it’s not worth mentioning in his State of the Nation Address. Even a shout out that says we thank the sacrifices of the overseas Filipino community, anything like that, would be greatly appreciate,” sabi ni US Pinoys for Good Governance President Rodel Rodis.
(ROSE NOVENARIO)