‘NILANGAW’ ang ang huling araw ng Sangguniang Kabataan (SK) registration kahapon.
Matumal ang pagdating ng mga kabataang may edad 15 hanggang 17-anyos sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang magparehistro para sa SK elections sa Pebrero 21, 2015.
Sa Quezon City Comelec District 1, mangilan-ngilan lang ang dumating gayondin sa Parañaque.
Ngunit noong Sabado at Linggo, maraming nakapagparehistro sa nasabing mga tanggapan.
Wala nang ibinigay na ekstensiyon ng rehistrasyon ang Comelec maliban lamang sa mga mga lugar na naapektuhan ng Bagyong ‘Mario’ at Habagat gaya ng Cainta, Rizal na maaari pang magpatala hanggang Martes, Setyembre 30, at ang Ilocos provinces na mayroon pang hanggang Oktubre 6.
Inaasahan ng Comelec na aabot sa dalawang milyong kabataan ang makikibahagi sa SK elections.