Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matanda na ako para kay Jodi — Ser Chief

092714 Jodi richard

00 SHOWBIZ ms mNOONG Huwebes ng gabi ay ginanap ang farewell/thank you presscon ng Be Careful With My Heart at doon ay kinulit ng entertainment press sina Jodi Sta. Maria (Maya) at Richard Yap (Ser Chief) kung posible bang magkagustuhan sila sakaling wala silang kapwa karelasyon o binata at dalaga?

Ani, Jodi, hindi naman imposible kung sakali ngang wala siyang karelasyon gayundin si Ser Chief dahil guwapo, mabango, mabait ang kanyang partner.

“Matanda na raw ako para sa kanya kaya imposible siyang magkagusto sa akin. ‘Yan ang sabi sa akin ni Jodi,” sambit naman ni Ser Chief sabay tawa.

Hindi man nagkaroon ng romantikong relasyon sina Jodi at Ser Chief, isa lang ang mahalaga, naging magkaibigan sila at magkapamilya sa dalawang taong serye.

Kaya naman ganoon na lamang ang kanilang kalungkutan gayundin ang iba pang casts na bumubuo sa Be Careful With My Heart dahil magtatapos na nga sila sa Nobyembre 28, 2014.

Ani Jodi at Ser Chief, tatanawin nilang isang malaking utang na loob ang ibinigay na tiwala sa kanila ng publiko na araw-araw ay sinamahan sila sa kanilang ‘paglalakbay’ patungo sa kanilang happy ever after.

“Binago po talaga ng ‘Be Careful’ ang buhay ko! Sa edad namin ni Richard, talagang hindi namin inakala na posible pa sa takbo ng careers namin na magkaroon kami ng album, world tours, endorsements, at higit sa lahat, love team! At lahat po ng biyayang ‘yun ay natanggap namin dahil sa pagmamahal ng aming viewers at sa grasya ng Panginoon,” anang 31 taong gulang na si Jodi.

“Madalas pinasasalamatan kami ng fans dahil sa saya at inspirasyon na naidudulot ng show sa kanila. Pero sa totoo lang, sila rin ang tunay na rason kung bakit lumalabas ng maganda ang bawat episode namin. Dahil sa kanila, araw-araw kaming inspiradong magtrabaho,” sabi naman ni Richard.

Sa loob ng lampas dalawang taon, natunghayan ng buong sambayanan kung paano pinuno nina Maya at Ser Chief ng kanilang ‘moments of love and happiness’ ang daytime TV mula sa pagiging mag-boss, mag-sweethearts, mag-asawa, at ngayon, bilang mga magulang nina Luke (Jerome Ponce), Nikki (Janella Salvador), Abby (Mutya Orquia) at ng kambal nilang sina Sky at Sunshine (Jeo Angelo Arquines at Elisha Maurice delos Santos). At gaya ng lahat ng mga fairytale, isang ‘Happy Ever After’ ang nakatakda para sa love story nina Maya at Ser Chief. Magaganap na nga ang TV event na ito sa Nobyembre 28 (Biyernes).

Nang tanungin kung paano nila gustong maalala ng publiko ang Be Careful, halos iisa ang naging tugon nina Jodi at Richard.

“Sana tuwing maiisip nila kami, babalik sa puso nila ‘yung lahat ng moments ng programa na nagdulot ng ngiti sa kanilang mga labi, at nagbigay sa kanila ng saya, pag-asa, at inspirasyon,” ani Jodi na aminadong naging mas positibo rin sa buhay at mapagpasalamat sa Diyos mula nang maging bahagi ng top-rating Kapamilya kilig-serye.

“Bukod sa kasiyahan at pag-asa sa buhay, gusto ko sanang maalala ng viewers ang ‘Be Careful With My Heart’ bilang teleseryeng nagturo sa kanila na gumawa ng mabuti sa ating kapwa,” pagbabahagi pa ni Richard.

I-enjoy ang bawat sandali kasama ang Be Careful With My Heart araw-araw, 11:30 a.m., bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …