Friday , December 27 2024

PNP chief DG Alan Purisima makinig ka kay Sen. Grace Poe!

00 Bulabugin jerry yap jsyNAPAKA-CONSTRUCTIVE ng payo ni Senator Grace Poe kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na maghain muna ng administrative leave habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

At para magkaroon ng realisasyon ang rekomendasyog ito, umapela si Sen. Grace Poe kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na gumawa ng rekomendasyon sa Presidente sa gagawing administrative leave ni Gen. Purisima

Gaya rin umano ito ng ginawang suspensiyon kina senators Johnny Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Para nga naman maging malinis ang gagawing imbestigasyon.

Alam naman nating lahat na under hot water ngayon si Gen. Perasima ‘este’ Purisima dahil sa mga naglabasang yaman gaya ng kanyang rest house sa San Leonardo, Nueva Ecija, farm ng anak na kaga-graduate pa lamang sa kolehiyo, condominium units sa Quezon City at Makati at ang kanyang white house mismo sa Camp Crame.

Kumbaga, wala rin ipinagkaiba ‘yan sa plunder at graft charges laban kay Binay at sa tatlong senador kaugnay ng multi-billion pork barrel scam na sinasabing minanipula ni Janet Lim Napoles.

Palagay natin Gen. Purisima ‘e tama lang ‘yang ‘payo’ na ‘yan ni Sen. Grace Poe.

Matagal na rin naman ang ipinaglingkod ninyo sa pamilya Aquino. Halos tatlong dekada na rin.

Hindi ka ba nakararamdam ng pagod?!

Aba ‘e kulang na nga ang gintong korona ‘este’ medalya para sa loyalty award ninyo mula sa pamilya Aquino.

Hindi na rin talaga matatawaran ang pagiging best buddy ninyo ni PNoy. Mantakin mong sa harap ng naglalabasang malalaki ninyong propriedad ‘e nagawa ka pa niyang ipagtanggol at sabihin na kilala ka niyang hindi maluho at matakaw.

Ginawa niya ang pagtatanggol na ‘yan habang ikaw ay nasa Colombia at siya ay nasa Amerika.

Kumbaga sa kamandag, mabagsik din talaga ang naipundar ninyong pagkakaibigan ni PNoy.

May alam ka sigurong “lihim ng Guadalupe” kay PNoy?

Sa iyong pagreretiro, hindi ba’t magandang i-treasure ‘yang kakaibang pagkakaibigan ninyo na pwede na rin tawaging, ‘walang iwanan.’

‘Yun lang, delikado sa Presidente ‘yan.

‘E paano kung makulong ka?!

Dapat hindi ka iwanan ni PNoy!?

Hik hik hik …

Kidding aside, mas pwede mong isama sa iyong pagle-leave ay ‘yang spokesperson ninyo na hindi naman yata pinaniniwalaan na ng publiko. Talak nang talak … ‘e ang layo-layo sa katotohanan ng mga pinagsasasabi.

Sabihan mo nga ‘yan, “less talk less sin.”

Anyway, balitaan mo kami Gen. Purisima sir, kung susundin mo ang payo ni Sen. Poe.

ARTISTA PA RIN HANGGANG SA HOYO SI KAP

HINDI pa rin talaga nagkakabisala ang mga kasabihan.

Once an actor always an actor.

Naisip lang natin ito habang binabasa natin ang post sa Facebook ng dating balae ni suspended Senator Bong Revilla na si Osang.

Lumabas kasi sa isang kolum sa tabloid na madalas raw sinusumpong ng migraine si Sen. Bong Revilla dahil sa sobrang init. Masakit na masakit raw at talagang walang magawa ang suspended Senator from Cavite kundi ang umiyak at magsisisigaw.

Pero malaking kasinungalingan daw ito dahil mismong ang apo nila mismo ang nagsasabi na naka-aircon ang ‘kulungan’ ng kanyang lolo.

What the fact!?

Naku naman talaga, hanggang sa HOYO, ‘e talagang napakagaling umarte ni suspended senator Bong?

‘E halos magkapanabay pa sila ni Senator Jinggoy kung saka-sakaling nagpadala siya sa ospital.

Hehehehe…

Ibang style naman… pwede ba, Kap!?

PERYA-SUGALAN SA PARAISO NG BATANG MAYNILA SINALAKAY NG MASA

DAPAT lang bigyan ng PAPURI ang hepe ng Manila City Hall Action & Special Assignment (MASA) na si Chief Insp. BERNABE IRINCO.

Mantakin ninyong naunahan pang salakayin ng MASA ang perya-sugalan na ating ini-expose sa kolum na ito d’yan sa Paraiso ng Batang Maynila sa tapat ng Manila Zoo.

Habang si Manila Police District – Malate Station (PS-9) commander Supt. ROMEO ODRADA ‘e pakaang-kaang lang kahit ilang metro lang ang layo nila sa perhuwisyong perya-sugalan?!

Magkano ‘este’ anong dahilan at hindi ninyo hinuhuli ‘yan Kernel Odrada!?

Bukod sa perya –sugalan ‘yang nasa area of responsibility ni Kernel Orada ‘e natuklasan pa ni Major Irinco na walang permit at naka-‘JUMPER’ ang koryente sa linya ng Manila City Hall.

Pinatay ang linya ng mga lamp post sa loob ng Paraiso ng Batang Maynila at doon ikinabit ang linya ng koryente para sa kanilang rides, games at pasugal sa kanilang perya-sugalan.

Sonabagan!!! KAPALMUKS talaga!

Ilang beses na nating inupakan ‘yan at maraming magulang na rin ang nagreklamo pero WALANG AKSYON si KERNEL ODRADA.

Kaya naman mismong si Major Irinco na ang UMAKSIYON.

Mabuhay ka Major Irinco!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *