Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2-anyos nene nangisay sa washing machine

 

092614 water electricity

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang 2-anyos batang babae makaraan makoryente sa washing machine ng kanilang kapitbahay sa Ramos East, San Isidro, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Princess Sinaya, residente sa nasabing lugar.

Si Princess ay nagtungo sa kaibigan na kanilang kapitbahay upang makipaglaro ngunit nadatnan niya ang kanyang kalaro na naglalaba kasama ang ina sa likod ng kanilang bahay na kanyang ginaya.

Ngunit nahawakan ng bata ang saksakan ng washing machine na ginagamit sa paglalaba ng ina ng kaibigan kaya’t siya ay nakoryente.

Dinala sa ospital si Princess ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang ina ng bata ay nagtatrabaho sa ibang bansa habang ang ama ay pumasok sa trabaho at kamag-anak lamang ang nag-aalaga sa biktima.

(BETH JULIAN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …