Saturday , November 23 2024

Tagayan niratrat 3 patay, 3 kritikal

081014 dead gun crime

TATLO ang patay habang nasa kritikal na kalagayan ang tatlo pang mga kasamahan makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo habang nag-iinoman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Rey Cayetano, 35, barbero at residente ng Phase 8, Package 6, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang hindi naisalba ang buhay ni Aiko Escarda, 23, ng mga doktor ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at hindi umabot nang buhay sa Nodado Hospital si Jomar Andaya, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Package 89, Lot 31 ng nasabing barangay.

Inoobserbahan sa pagamutan sina Ogie Laderas, Bobby Sarmiento, at Jerome Tenson, pawang 23-anyos, at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni PO2 Mark Andrew Bartolome, dakong 8:30 p.m. nang maganap ang insidente sa Phase 4B, Package 8, Block 89 ng nasabing barangay.

Masayang nag-iinoman ang mga biktima nang sumulpot ang apat na mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *