SINAMPAHAN ng kasong parricide ang asawa ng 39-anyos negosyanteng babae na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang tindahan sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Maria Luisa Ramirez, 39, may-asawa, ng Araullo Place compound, Brgy. Addition Hills, ng lungsod, may- ari ng grocery store sa lugar.
Sa imbestigasyon, tuwing 4 a.m. nagbubukas ng groserya ang biktima at ang asawa.
Pero nakita umano ng asawang si Rodel na nakahandusay at tadtad ng saksak ang asawa at nawawala na ang pera sa bulsa.
Sinabi ng lalaki na inakyat silay ng akyat-bahay. Natagpuan sa kanal ang ice pick at kutsilyo na ginamit sa biktima maging ang kanyang cellphone.
Ngunit kalaunan ay natuklasan ng pulisya na ang dalawang deadly weapon ay pag-aari ni Rodel. (ED MORENO/
MIKKO BAYLON)