Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ibabaw ng Lahat… Pag-ibig (Part 13)

00 ibabaw pagibig

SUSTENTO MULA SA NOBYONG FIL-AM ANG KALABAN NI LEO

Ipinarating din kay Leo ni Angie na parang nagsasakit-sakitan lamang ang Mommy Minda ni Gia upang mapasunod nang mapasunod sa mga kagustuhan ang anak. Umaarte raw ang ina ng kaibigan nito na inaatake sa puso kapag nagagalit o sumasama ang loob.

“Kaya naman takot sumuway si Gia sa mommy niya… na pati sarili niyang buhay ay pinanghihimasukan,” ayon kay Angie.

“E, bakit naman halos ipagtulakan na si Gia ng kanyang mommy kay Andrew?” naitanong ng binatang pintor.

“Kasi’y mukhang pera ang nanay niya…” ang nakuha niyang kasagutan sa kaibi-gan ni Gia.

Nagsa-mahabang dila si Angie sa pagbubulgar na “sa sulsol ni Mommy Minda” ay tinatanggap tuloy ni Gia ang buwanang sustento na ipinapadala ni Andrew. Malaking halaga raw iyon na tulong sa pamilya ng mag-iina. At sinasagot rin daw ng binatang Fil-Am pati na pag-aaral sa kolehiyo ng dalawang nakababatang kapatid ng dalagang nililigawan ni Leo.

“”Pero nangumpisal sa akin si bes (ang tinutukoy ay si Gia)… Nababaitan siya sa iyo… At kung ‘di raw niya pipigilin ang sarili ay baka tuluyan umanong ma-in love siya sa ‘yo,” ang mga katagang pakonsuwelo ni Angie sa kausap na binata.

Pinatatag ni Leo ang kanyang dibdib. At kung kinakailangan din na pakapalin ang mukha ay gagawin niya. Linggo ng hapon uli nang dumalaw siya kay Gia. Nasilip niya sa sala ng kabahayan ang mga nakababatang kapatid ng dalaga; isang kabataang babae na labing-pitong taon ang edad, at isang binatilyong labing-limang taon gulang. Napangiwi ang mga mukha ng dalagita at binatilyo nang diretsahan siyang soplahin ni Mommy Minda na nagbukas ng pinto. “Malapit nang ikasal ang anak ko kaya ‘di ka na dapat nagpupunta rito,” anitong pagalit kay Leo.

“G-gusto ko lang po sanang makausap siya kahit saglit na saglit lang…” aniyang tila may kung anong nakabara sa lalamunan.

“Umalis ka na!” singhal sa kanya ni Mommy Minda.

Biglang sumulpot si Gia na umawat sa pagsusungit ng ina.

“T-tama na po ‘yan, Mommy…” ang pakiusap ng dalaga.

“Ano na lang ang sasabihin ni Andrew ‘pag tinanggap mong bisita ang lalaking ‘yan?” panduduro ng ina sa mukha ng anak.

Lumapat sa braso ni Leo ang nanlalamig na palad ni Gia. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …