Friday , December 27 2024

Grupong PNoy ‘di papayag sa re-enacted budget

00 BANAT alvin

HINDI papayag ang mga politiko sa ating bansa sa reenacted budget dahil ang pondo para sa susunod na taon ay maikokonsidera na panggastos para sa pagpapapogi sa election.

Ito ang tunay na dahilan kung bakit hindi papayag ang Kongreso maging ang mga alipores ni PNoy na politiko sa kanyang gabinete dahil ito ang magdadala sa kanila ng pondo na kanilang gagamitin para sa proyektong magpapapogi sa kanila sa 2016.

Malinaw naman kasi na ang 2015 budget ang magiging sandigan ng lahat ng politiko lalo’t higit ang nasa Kongreso at mga mamanukin ni PNoy upang magawa ang kanilang mga plano at programa na magdadala sa pangarap na re-election.

Hindi rin totoo ang sinasabi ng majority floor leader ng Kamara na si Cong. Neptali Gonzales na ang reenacted budget ay kasingkahulugan na ang P391 bilyong pondo para sa mga pagawaing bayan ay magiging pondo ni PNoy.

Malinaw sa batas na sa reenacted budget ay pwede lamang galawin o gastusin ng gobyerno ang mga alokasyong nakalagay sa pampasweldo, pagbabayad ng utilities kagaya ng tubig at koryente at gastusing may kinalaman para mapatakbo ang isang ahensiya ng pamahalaan.

Nagdidikta rin ang rason na ang isang tapos na proyekto na pinondohan ngayon taon ay hindi maaaring ipagawang muli dahil nagawa na ito ng pamahalaan kaya’t malinaw na may problema si Mang Neptali, na nagpapanggap lamang palang isang paham.

Maihahalintulad natin ang katwiran ni Gonzales sa DAP na sinabi ng Korte Suprema na ilegal ang ginawang paggastos ng gobyernong Aquino dahil hindi dumaan sa Kongreso at hindi rin maikokonsiderang savings ang isang pondong hindi nagugol hangga’t hindi pa natatapos ang taon.

Klaro na pagpapaikot o pananakot lamang sa madla na kanilang palagiang ginogoyo ang diskarte ng kinatawan ng Mandaluyong sa Kamara dahil kahit barangay officials ay alam ang kahulugan ng isang reanacted budget.

Hindi rin maikukubli ang katotohanang ang sandigan ng isang politiko ay pondo kaya’t buo ang paniniwala ng pitak na ito na walang re-enacted budget na magaganap dahil alam naman nating palabas lamang ang lahat.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

Juday, Chanda, Lorna nagpatalbugan, ilang eksena sa Espantaho makapanindig balahibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBANG klase talaga itong si direk Chito Rono. Forte talaga niya …

Coco Martin Julia Montes Topakk

Coco hindi naitago pagkabilib kina Arjo at Julia, Topakk pang-internasyonal

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BILIB na bilib si Coco Martin kay Julia Montes kaya hindi ito napigilang sabihing, …

Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao …

Chavit Singson 58 Days ng Milyong-Milyong Pa-Premyo

1-M views sa ikalimang  araw ng Chavit online game show

PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga tagasubaybay ng ika-5 episode ng 58 Days ng …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *