Saturday , November 23 2024

10-anyos nene ini-hostage ng adik na kuya

ARMADO ng gulok, biglang dinamba ng isang 15-anyos binatilyo ang 10-anyos kapatid na babae sa pag-aakalang may papasok na magnanakaw sa kanilang bahay sa Brgy. Minuyan, sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, inakala nilang pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng magkapatid at nagulat sila sa dakong huli na ang magkapatid na kapwa menor de edad lamang ang nasa loob ng bahay.

Sapilitang pinasok ng mga awtoridad ang bahay at inaresto ang suspek na armado ng gulok makaraan ang limang oras na negosasyon.

Aminado ang mga magulang ng suspek na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanilang anak.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng City Social Welfare and Development Office ang magkapatid na nakatakdang sumailalim sa counselling.

Irerekomenda rin ng CSWD na isailalim sa drug rehabilitation program ang suspek.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *