Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dagdag na benepisyo sa mga beterano, hiniling ni Trillanes na lagdaan ng Pangulo

090514 veteran ph

Matapos pumasa sa ikatlong pagdinig ng Senado, hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV  kay Pangulong Benigno Aquino III na kaagad lagdaan ang panukalang batas na magdadagdag sa burial assistance ng mga beterano mula P10,000 sa P20,000.

Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate committee on national defense and security, inendorso niya ang House Bill 694 sa ilalim ng Committee Report 57 bilang pagkilala sa makabayang paglilingkod ng mga beterano sa mga panahon ng digmaan at kapayapaan.

Naunang ipinasa sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives ang HB 694 na magdadagdag sa burial assistance ng mga beterano mula P10,000 sa P20,000 sa pagsisikap ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa ilalim ni Administrator Ernesto Carolina at ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) na nagsidalo sa mga pagdinig.

Aminado si Trillanes na malaki ang naitulong ng mga taga-PVAO at taga-DND para mabilis na makapasa sa Senado ang HB 694 sa kanilang paliwanag na ang burial assistance ng mga beterano ay huling dinagdagan may 20 taon na ang nakararaan sa ilalim ng Republic Act 7697 (An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Dependents).

“Nararapat lamang ang benepisyong ito para sa ating mga beterano na nagtaya ng kanilang mga buhay upang protektahan ang ating kalayaan at demokrasya,” ani Trillanes. “Kailangan din ang desenteng libing para sa mga kawal na nakauniporme na nagtanggol at lubos na naglingkod sa ating bayan.”

“Bagamat hindi sapat ang halagang ito para sa paglilibing sa mga minamahal nating beterano, umaasa ako na makatutulong ito sa kanilang mga pamilya sa panahon ng pangangailangan,” dagdag ni Trillanes na dating opisyal ng Philippine Navy. “Kaya umaasa tayo na kaagad aaksiyonan ng Pangulo ang panukalang batas para suportahan ang ating mga beterano.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …